Tuesday, February 8, 2011

My New Crush


Parang teen ager lang hehehe. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling pag matagal ka nang hindi nag kaka crush. Kasi my life for 4 years, iisa lang nakikita kong mukha, iisang amoy, at marami pang iba. hehehe

I am not particular on supporting actors(hollywood) kasi ang dami nila. I am not good on naming names. We watched Burlesque last week end, very entertaining. Producer kasi si Christina Aguillera doon at kasama pa si Cher.

Then familiar yung face ng love partner ni Xtina. Deep seated eyes, parang hawig lang kay Brad Pitt. Ang name niya Cam Gigandet... Nag google ako, siya pala yung James sa Twilight at sa Easy A. :)

I am loooking forward for his film again,"Priest".

Wednesday, February 2, 2011

Ventosa Massage


Sounds Sentosa in Singapore... wish ko pumunta diyan.


"VENTOSA is a form of massage therapy performed by placing glass in specific accupoints on your back with a technique used to create a vacuum inside the glass. The vacuum created will “suck” out excess and unnecessary air that is inside your body" (credits:  kikaymuch.me)


At first, naignorante ako hahaha, medyo makirot na mahapdi but habang tumatagal parang my vacuum lang sa likod mo. hehehe. Namimiss ko na kasi mag pamasahe kaya tinawagan ko yung friend ko na professional daw by TESDA. Meron palang ganun. They took an exam para my id kang ipapakita sa mga clients mo.


Sa probinsiya kasi, mga barbero yung nagmamasahe sa akin. Mr Suave kumbaga kasi old traditional massage ang gamit nila- katas ng niyog na may halong efficascent oil or kaya baby powder o kaya naman yung omega pain killer. :)


Yung sa friend ko, it is a mixed of swedish, et al. (hindi ko alam spelling) for only 200php. Saan ka pa. Home service siya, sagot mo pamasahe niya. Ang luho hehehe. 


Ang sarap mag pamasahe lalo na pag stress.. feels like heaven. ZZzzzzz sabay antok. :)

Monday, January 31, 2011

Reklamo Issues


Likas na tayong ma reklamo, admit it. Pero nakakairita minsan ang mga OA. Minsan hindi mo mapipigilan ang sarili mong makipag away.

Scene 1: Pag may nang aabot ng bayad sa jip, may nandededma o bingi bingihan. Wag kang sasakay ng jip kung ayaw mong mag abot ng pamasahe ng kapwa pasaheros, mag taxi ka.

Scene 2: Sa  MRT, wag masyadong megaphone ang boses kasi one time, may nakasabayan ako na ang iingay then, pinapatigil. Ayaw tumigil yung dalawang beki. Lahat ata ng homophobic na lalaki, nag salita na at pinagtulungan yung dalawa. Kakaawa yung ganung eksena. Joined jorces ang mga matatanders. Gustong pababain kahit tumatakbo ang train. Kaloka.

Scene 3: Sa department store, I am not against with them, yung mga saleslady ang tataray na minsan, ang tatamad pa. E yan ang inaplayan nilang trabaho, sila pa ang may ganang mag-make face. Nah!

Scene 4: Kung walang barya, walang patawad talaga, ikaw pa ang magpapabarya. Sila itong may may karinderia o anuman, sino ba talaga ang tama?

Scene 5: Sa taxi, kung mali lang yung pinasukan na itinuro mo, magmumura na. Ang laki ng problema mo manong!

Scene 6: Sa Quiapo, may narinig akong natapakan ng paa sa dami ng tao “over sa pagka “OUCH”, hello andito ka sa quiapo kaya.

21 Guns


At last, I found this version on my facebook, 21 guns by Green Day. I super love this song since it was released. I played it hundreds of times before I go to sleep.

A sad song indeed, honored to dead soldiers with 21 guns salute.

"Your faith walks on broken glass
And the hangover doesn't pass
Nothing's ever built to last
You're in ruins"



Death sometimes can be a hindrance to our dreams or aspirations but our Faith should strengthen us to surpass all things that comes along. Our thanksgiving is an ultimate value that we can share to our loved ones and to God every day, because life sometimes can be cruel and untoward...


I am teary eyed with this song...

Saturday, January 29, 2011

NPA


NPA- No permanent Address

Since 2005, palipat lipat na kami ng bahay dito sa Manila. Umpisahan ko sa unang place ko dati sa Washington, Makati, semi condo. 12 post dated cheques ek ek na requirements at madami pang id's. Talo pa sa nag aaplay ng bank account sa dami. hehehe. There was an incident na tawagin nating " Dustpan".

It is our first day, first night then nakatulog kami ng 1am dahil nagchikahan pa. Nagising ako ng 530 am, bumulaga sakin ang dust pan sa uluhan ko. Nagtaka na ako kung saan nanggaling itong nakakarimarim na dust pan. Then nagising na yung gurla na kasama ko. Hinahanap ang nawawalang cellphone. Halungkat sa lahat ng parte ng rum, at hindi nga nagpakita. Then I realized yung dustpan.. Hayun! Tang inang Dustpan. isinuksuk sa rehas ng window at iniwan na lang yung ebidensiya. Kalokah tong place. Marami na palang cases dito sa Washington. Nasasalisihan pati ganitong semi condo na building. At eto pa,hanggang beywang ang baha dito sa Makati. Lalo na sa Pasong Tamo sa may Walter Mart. Dagat ito pag tag ulan. Kaya after 1 year umalis ako.

Then nabulabog ako sa Mandaluyong sa Shaw Blvd. M. Yulo/ end of the road. Shit iba ito. from semi condo to semi squatter. Hahahaha. I do not want to specify those thing what I have seen, heard and met. Ay iba talaga pala pag ganitong naghahabol ka ng oras para makakuha ng bahay. After a month...

Binulabog namin yung mag asawa sa San Juan. Dito na kami nagsama ng aking partner, 2006. Sa amin yung isang room. Apartment  na spacious talaga but yung araw parang spotlight umagat hapon sa init. Naging nognog talaga ako sa init. Nakatagal naman kami ng 8months. Hindi kami nakatagal kasi may kasambahay kaming maliliit na bata.

Lumipat ulit kami sa East Rembo, Makati- malapit na sa Pateros. We don't know the place, andami palang adik dun. Nunca na 8 hours ang sleep mo kasi ayaw ka nilang patulugin sa ingay sa labas. Bwisit talaga. Ngarag ang ganda mo pagpasok sa work. Kaloka talaga, ang hirap ding sumakay ng jip s guadalupe. Hinahabol ang jip. Hindi yung driver ang naghahabol ng pasaheros but Yourself. Sa dami ng tao sa Guadalupe. Hindi mo kakayanin ang powers nila.

After a year, umuwi na kami sa probinsiya dahil of family problems. Nagresign na wala sa oras, hehehe.

Bumalik kami dito sa Manila January 2009 ulit dahil nag aaplay ako sa Kuwait but when I was ready to go. BIG NO ang sabi ng Mudra. Ewan ko sa kanya, andami ko ng nagastos tapos aayaw din. Ano kaya yun. Nasayang yung pagod ko, from 600 hopefuls na nurses then naiwan kaming 50, sinala na parang american idol. Ang hirap pag nag aplay abroad, it will take a lot of money and effort. Bow ako sa mga OFW natin because I have been there, pilahan sa balde kumbaga para lang marating mo ang inaasam mong pangarap. Sa place na to, bumalik kami sa washington for the mean time, naki salo ulit kami sa mag asawa, amin ulit isang room. But yung lalaki, istrikto. My curfew. Kalerkey si kuya. Tapos nagbabayad kami appliances namin 200 daw bawat isa. Mukhang JP Rizal. My incident din na pinalitan niya yung tabo sa mas maliit na parang sa bata. Doon na nagpanting ang tenga ko. Umalis kami after a month..

Then bumalik ulit sa Manila, dito sa probinsiya ng Alabang. Ang lakas talaga ng hangin dito, parang my storm surge palagi. Wala akong masabi sa bagong place namin but etong PNR lang ang kulit ng horn ha. Ang ingay pag alas siyete na ng umaga at gabi. But I am loving this place, sana tumagal kami ng partner ko dito...

Friday, January 28, 2011

Bawal ang plastic


Pumunta kami sa festival kanina para magrocery. Hassle ang magdala ng bag kasi bawal na ang plastic dito sa Alabang.

It has been few days na ganito dito, mahirap pala kung ang nakasanayan mo ay puro plastic. Walang kaartehan. But paperbags SUCKS... One time bumili ako sa 7/11 ng soda 1.5L, brown bag ang binigay, eh basang basa na, Ilang metro pa lalakarin ko para makarating ng bahay. Para na akong may anak na yakap yakap ang brown papaerbag para lang hindi mahulog. Ganyan katindi ng walang pastic.

Sa grocery kanina, yung mga gulay na pinamili namin, basa pa... Hirap talaga pag hindi nakasanayan. 

But the good thing is, environment friendly ang paper bags, it will took a couple of decades to decompose a certain plastic. Sana ganito sa lahat ng panig ng Pinas. Global warming na kasi, my mother called me a minute ago from Saudi, they are now experiencing an extreme thunder snow, brrrrrrr sabi pa ng mudra. Hahaha.. Nakakaloka na ang planetang itech.

Goodluck sa susunod na Ondoy..ngek! nandun ako sa province that time. 

sabi nga ng shout out sa facebook friend ko.. "Para saan ba ang plastic, eh di sa basura sila nababagay"


Thursday, January 27, 2011

L*cheng Smart Bro


To keep myself busy, I need to reload my smart broadband for 5days with an amount of 200php. But the internet connection was too slow. Paano ako mag blo blog nito? I miss my wifi at the province. Dito patayan ng oras para lang maka kuha ka ng internet connection. Wala namang free wifi within our vicinity. 

Ayaw ko naman amg rent sa labas kasi puro games naririnig ko, it is a NOISE. Lahat na lang naririnig mo "tang Ina" sa murang edad sa computer shop, kaya I would rather be patient waiting my kuno SMART Bro.

Stupid bro dapat ang alias nito eh hindi smart bro. May globe broadband din ako pero mas slow na naman.

I am starting my day with a cup of coffee and bread. Waiting my partner to get home. Pareho kaming walang trabaho ngayon. Pinapauna ko muna siya mag apply para tipid naman kahit papaano. Ang hirap maging parasite sa parents hahaha. But we are doing are best to get a job. 

Today was a sunny day dito sa Alabang, ang lakas ng hangin dito kasi malapit kami sa Laguna de Bay. Kaya hindi problema aircon or efan. Today's agenda, exercise, lunch and go to grocery.