Likas na tayong ma reklamo, admit it. Pero nakakairita minsan ang mga OA. Minsan hindi mo mapipigilan ang sarili mong makipag away.
Scene 1: Pag may nang aabot ng bayad sa jip, may nandededma o bingi bingihan. Wag kang sasakay ng jip kung ayaw mong mag abot ng pamasahe ng kapwa pasaheros, mag taxi ka.
Scene 2: Sa MRT, wag masyadong megaphone ang boses kasi one time, may nakasabayan ako na ang iingay then, pinapatigil. Ayaw tumigil yung dalawang beki. Lahat ata ng homophobic na lalaki, nag salita na at pinagtulungan yung dalawa. Kakaawa yung ganung eksena. Joined jorces ang mga matatanders. Gustong pababain kahit tumatakbo ang train. Kaloka.
Scene 3: Sa department store, I am not against with them, yung mga saleslady ang tataray na minsan, ang tatamad pa. E yan ang inaplayan nilang trabaho, sila pa ang may ganang mag-make face. Nah!
Scene 4: Kung walang barya, walang patawad talaga, ikaw pa ang magpapabarya. Sila itong may may karinderia o anuman, sino ba talaga ang tama?
Scene 5: Sa taxi, kung mali lang yung pinasukan na itinuro mo, magmumura na. Ang laki ng problema mo manong!
Scene 6: Sa Quiapo, may narinig akong natapakan ng paa sa dami ng tao “over sa pagka “OUCH”, hello andito ka sa quiapo kaya.

No comments:
Post a Comment