Saturday, January 29, 2011

NPA


NPA- No permanent Address

Since 2005, palipat lipat na kami ng bahay dito sa Manila. Umpisahan ko sa unang place ko dati sa Washington, Makati, semi condo. 12 post dated cheques ek ek na requirements at madami pang id's. Talo pa sa nag aaplay ng bank account sa dami. hehehe. There was an incident na tawagin nating " Dustpan".

It is our first day, first night then nakatulog kami ng 1am dahil nagchikahan pa. Nagising ako ng 530 am, bumulaga sakin ang dust pan sa uluhan ko. Nagtaka na ako kung saan nanggaling itong nakakarimarim na dust pan. Then nagising na yung gurla na kasama ko. Hinahanap ang nawawalang cellphone. Halungkat sa lahat ng parte ng rum, at hindi nga nagpakita. Then I realized yung dustpan.. Hayun! Tang inang Dustpan. isinuksuk sa rehas ng window at iniwan na lang yung ebidensiya. Kalokah tong place. Marami na palang cases dito sa Washington. Nasasalisihan pati ganitong semi condo na building. At eto pa,hanggang beywang ang baha dito sa Makati. Lalo na sa Pasong Tamo sa may Walter Mart. Dagat ito pag tag ulan. Kaya after 1 year umalis ako.

Then nabulabog ako sa Mandaluyong sa Shaw Blvd. M. Yulo/ end of the road. Shit iba ito. from semi condo to semi squatter. Hahahaha. I do not want to specify those thing what I have seen, heard and met. Ay iba talaga pala pag ganitong naghahabol ka ng oras para makakuha ng bahay. After a month...

Binulabog namin yung mag asawa sa San Juan. Dito na kami nagsama ng aking partner, 2006. Sa amin yung isang room. Apartment  na spacious talaga but yung araw parang spotlight umagat hapon sa init. Naging nognog talaga ako sa init. Nakatagal naman kami ng 8months. Hindi kami nakatagal kasi may kasambahay kaming maliliit na bata.

Lumipat ulit kami sa East Rembo, Makati- malapit na sa Pateros. We don't know the place, andami palang adik dun. Nunca na 8 hours ang sleep mo kasi ayaw ka nilang patulugin sa ingay sa labas. Bwisit talaga. Ngarag ang ganda mo pagpasok sa work. Kaloka talaga, ang hirap ding sumakay ng jip s guadalupe. Hinahabol ang jip. Hindi yung driver ang naghahabol ng pasaheros but Yourself. Sa dami ng tao sa Guadalupe. Hindi mo kakayanin ang powers nila.

After a year, umuwi na kami sa probinsiya dahil of family problems. Nagresign na wala sa oras, hehehe.

Bumalik kami dito sa Manila January 2009 ulit dahil nag aaplay ako sa Kuwait but when I was ready to go. BIG NO ang sabi ng Mudra. Ewan ko sa kanya, andami ko ng nagastos tapos aayaw din. Ano kaya yun. Nasayang yung pagod ko, from 600 hopefuls na nurses then naiwan kaming 50, sinala na parang american idol. Ang hirap pag nag aplay abroad, it will take a lot of money and effort. Bow ako sa mga OFW natin because I have been there, pilahan sa balde kumbaga para lang marating mo ang inaasam mong pangarap. Sa place na to, bumalik kami sa washington for the mean time, naki salo ulit kami sa mag asawa, amin ulit isang room. But yung lalaki, istrikto. My curfew. Kalerkey si kuya. Tapos nagbabayad kami appliances namin 200 daw bawat isa. Mukhang JP Rizal. My incident din na pinalitan niya yung tabo sa mas maliit na parang sa bata. Doon na nagpanting ang tenga ko. Umalis kami after a month..

Then bumalik ulit sa Manila, dito sa probinsiya ng Alabang. Ang lakas talaga ng hangin dito, parang my storm surge palagi. Wala akong masabi sa bagong place namin but etong PNR lang ang kulit ng horn ha. Ang ingay pag alas siyete na ng umaga at gabi. But I am loving this place, sana tumagal kami ng partner ko dito...

No comments:

Post a Comment