Thursday, January 27, 2011
Boarder
Ako ay isang probinsyano, trenta anyos, may dating trabaho, pero sa ngayon, nkikipag sapalaran ulit dito sa siyudad ng Manila. Ayokong magpractice ng nurse sa aming probinsiya kasi it is not a good place for professional growth- nandiyan palagi ang tsismisan, sipsipan at kick backan. Pagpasok mo pa lang, tsismis agad ang inaatupag. Dapat patient first.. hehehe. Nagtrabaho ako sa Makati Med at Cardinal.
Ayaw ng mother ko na mag abroad ako because may naiwan akong matatanda sa bahay ngayon, father at grandmother ko. Walang mag aalaga sa kanila in the future. Hindi problema sa amin ang pera. Hindi naman ako mayaman, hindi rin naman ako mahirap. Kontento na ako kung ano ang meron sa akin.
Nag aplay lang ako these past few weeks but HOSPITAL are FROZEN. Karne ba sila na sabihin ba naman ng HR na freezing sila. Hahaha Kalerkey! At ngayon, naisipan kong magblog para sa nakakamatay ang boredom. Shit talaga. Kung nakakamatay ang boredom isa na akong nauna. Haaay Buhaay... DAMING NAMAMATAY ngayon, kulang naman ng medical staff kasi walang pang sahod. Ano ba yan, andaming grads now... Pinas kong mahal talaga.
Plano ko mag office na lang muna. sakaling tanggapin ako. Wala akong experience maliban sa pasyente..
Itong blog na to, uumpisahan ko kung paano mamuhay ng isang probinsiyano na palaging boarder na lang. Ang mahal kaya ng bahay dito sa Manila, kaya I am renting a good place but outside, yikes hahahaha...
Ganito na talaga dito sa Manila, some have some, most have most..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment